A Travellerspoint blog

Nabuhay kang blog ka?!?!

sunny

It’s been a long time since i logged in and write about something.
Wala pa rin naman akong maisulat pero dahil sa napaka boring na talaga ng buhay dito sa Dubai, eh talaga naman na kahit ikaw nasa kalagayan ko mabobored ka na rin maboring. Ang gulo diba?

So updates muna.

1. My sister is pregnant, yes after 8 years of trying finally. Syempre Mommy ko super excited na about the much anticipated apo. Here’s the catch kasi, yes Mommy has apo na with kuya kaya lang Ate’s a different case kasi may foreign blood ang magiging apo so syempre first time sa pamilya namin magkaroon ng Middle Eastern blood. Ate’s due of delivery is on October I think.

2. I am the sole provider for the meantime sa parents naming magkakapatid. Im not complaining naman kasi alam ko naman na magiiba na yung priority ng kapatid ko once na magkaanak na siya, saka syempre madami din naman gastusin ate ko ngayon, kay kuya naman wala naman aasahan si Mommy kasi may sarili nang pamilya yun, saka saken lang ha feeling ko naman eh there will come a point in time na syempre we as children of our parents should be free from our responsibility sa kanila. Hindi sa tinatalikuran mo na yung responsibilidad na tumulong sa nanay at tatay mo, syempre kung meron ka naman pera eh bakit di ka magbibigay sa nanay mo. Yun yung pinaiintindi ko sa Nanay ko na hindi naman niya maintindihan. Natatakot lang ako na paano pag balik ko sa Pilipinas? Hindi ko na maiibigay yung halagang naiibigay ko dito sa dubai, heto nga at tinawagan ko kanina lang Nanay ko at nagtanung ako kung magkano kuryente namen, 5,800 pesos daw. Napakalaki diba, hindi ko naman tinanung kung bakit malaki, pero syempre ang mudra ko may arte na di na niya gagamiting yung Refrigerator, tapos di na daw niya papagamitin ng Air-con ang pudra ko. I think that’s the simplest and the least my mom could do to say na, “anak pasensya ka na samen, wala kaming magawa,magtiis kalang diyan at pasasaan ba eh aasenso din tayo,alam namin na mahirap ang buhay diyan sa dubai pero konting tiis lang”. Kilala ko na masyado nanay ko at ang mga subliminal meaning nang mga payo niya saken. Ako naman sa abot ng makakaya ko pipiplitin kong suportahan sila, kasi nga we’ve gone through a very tough times, kaya as much as possible ayoko na maranasan pa naming pamilya yun.

3. I sent the money a while ago, it’s like Western Union Money transfer system, ayoko kasi sa Western Union itself kasi mahal. Ayun napakababa ng palitan ng piso,anyhow tinawagan ko yung Nanay ko at tinext yung Control Number na kailangan niya to claim the money, bukas na lang daw niya ireremit so ako naman ok.. so pasok ako sa work then after a while i received an sms informing that the money i just sent through this Western Union Copycat was received by the beneficiary. Hala! Sabi ko paano mangyayari yun eh kakausap ko lang sa Nanay ko na bukas pa daw niya iclaim yung pera, so ako naman tawag sa Mudra, ang mudra naman mega deny sa mga allegation ko so go agad ako dun sa pinagpadalhan ko ng pera at nagcomplain. Sabi naman ni Kuyang kabayan na system generated daw yung nitong Western Union Copycat na nasa kanila na yung pera at pwede na iclaim nung pagpapadalhan ko, sabi ko naman kay kuya eh usually natatangap ko yung ganung text pag naclaim na nang mudra ko yung anda, sabi niya no need to worry daw kasi with them im in good hands, hala parang Metro Bank lang. Pero honestly hindi yun yung sinabi ni kuya sabi niya chineck niya sa system at andoon pa rin naman daw yung pera so no need to worry.ok fine. So balik ako sa trabaho.

4. Ayun nga, naitawag saken ng Nanay ko na may sakit nga daw na dinadamdam ang Tatay ko, so tinanung ko ayun nagpatingin na daw sa doctor, nagpa X-ray na daw at soon malalaman ang findings kung anuman ang sakit ng Tatay ko, nakabili na rin siya ng gamot gamit yung sarili niyang pera. Kasi nga nagpapa 5-6 si Daddy ayun, yung pam 5-6 niya pampagamot niya. Narealize ko habang tumatanda pala tayo, yung mga hinihiling naten kay Papa Jesus hindi na masyadong into material things, more on sa health na, sa safety, yung mga ganoong aspeto na. Well ako ganoon na yung madalas kong dasal kasi pinakaimportante yung malusog na pangangatawan. Kaya Lord, im praying for our good health, my families good health, me, good health para kay lovelove ko, pati rin sa mga friends ko at sa lahat ng taong nakakasalamuha ko at pati na rin lahat ng tao.

5. Hay nahihilig ako kay Lady Gaga, salamat kay Chacha, Louren, at Ronald sa pag Baptist sa akin to be Lady Gaga’s little monster. Telephone ang kantang paulit-ulit na naririnig ko sa radio kahit saan dito sa dubai, sabi ko sa sarili ko siguro kung nakikita lang nila yung music video nito baka magdalawang isip sila, syempre medyo conservative pa rin kasi mga tao dito sa Dubai, pero anyway highway accepted naman nila si Lady Gaga kasi pinapatugtog sa radio eh.

6. At last, i was able to watch “Miss You Like Crazy” starred by John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. It was ok, dami din mga lines thay they applied na kagaya din ng sa “ One More Chance”. Pero i’d choose the latter in terms of my taste. Sa akin lang ha..

7. Tungkol kay lovelove ko at sa akin, were doing fine. Yes i hope were doing fine,kasalanan ko naman kasi lagi na ako late magising para sa schedule ng pagchachat namin. Lately kasi naadik ako sa paglalaro ng Plants Vs. Zombies na laro sa laptop ko kaya ayun late na din ako palagi matulog. Pero this time naman, noted ko na ang pagpupuyat ko, as much as possible hindi na ako magpupuyat para magkaroon kame ng quality time ni lovelove. Here’s the catch kasi medyo conflicting schedule namin, as you all know 4 hours advance ang Pilipinas, ang oras ng pagtulog ko ay oras ng trabaho niya samantalang ang oras ng paguwi niya oras naman ng pagpasok ko so diba ang hirap? Pero so far nagagawan naman namin ng paraan. Nag team building sila sa Subic. Nag Duty Free daw siya at namili ng napakaraming chocolates. Somehow sinisisi ko rin sarili ko kasi nakauwi ako ng Pilipinas ng hindi ko siya nabigyan ng kahit isang pirasong chocolates. Pero babawi naman ako, promise. Ay huag muna pala mag promise parang di applicable sa amin salitang yan, pero ayun nga as simple as it seems medyo naguiguilty ako. Mahirap ang Long Distance Relationship pero dahil sa sobrang mahal namin ang isa’t-isa nakakayanan namin lahat ng problema. Saka ayun nga pala effort talaga kailangan para magtagal.I love you lovelove ko.

8. Ubos na yung sweldo ko, hahaha. Natatawa ako pero naiiyak at the same time sa dami ng gastusin na kailangan kong isipin. Kakasweldo ko lang kaninang hapon, pero habang sinusulat ko to halos paubos na. Ang nabili ko lang sa sarili ko ay isang Multi-vitamins at Vitamin-C. Sa health nga diba?

9. Nag renew ako ng mobile number valid for one year. Ayun nga Mobile numbers here in Dubai are mandated to renew every year from the time you acquire the number. So ayun nga, mga 600 pesos ang nagastos ko dun.

10. Last na. We’ll go out tomorrow night, Ratsky ang destination. It’ll be a free treat ng kasambahay ng katrabaho kong Filipina, ang taray diba yung kasambahay pa yung nanlibre nang pang-gimik.
Kasi naman, may boyfriend ang lola niyo na rich but old Filipino Engineer. So umandar na naman yung pagiging user-friendly ko.

More updates to come.
Ay nga pala pwede kaya magtanung? Pwede bang mawala sa mundo ang mga JEJEMONS!!!!????

Posted by webbster 12:23 Archived in United Arab Emirates

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint