A Travellerspoint blog

ouch!

all seasons in one day

i received an email from someone special tonight.
it's a message from the philippines.
it's nothing that i expected.
and i was sad.

it's a break up mail.
i balled my eyes like for the second im reading.
we've been almost a year and a few months or so.
i guess long distance relationship is tough.

nakapangako pa naman ako sa sarili ko that
as much as possible i will make this work.
after all it's my very first real relationship.
real..

galing ako sa isang broken family
thats why i know how hard it's been loosing someone that
you love so dearly.

everything is not going well.
and again it's getting dark from where i am.
if i could just skip the pain part.

i wasn't supposed to write tonight
and im not expecting that i will write this part on my blog.
my 3rd post.
breakup post.

Posted by webbster 12:46 Comments (0)

clueless?

sunny

I’m having a hard time writing a follow up sa blog that I just started couple of days ago.
Or should I say umaandar lang ulit yung katamaran ko.
At wala ako maisip isulat.haha.

But seriously im quite busy lately sa trabaho..
Sunday and Monday were both 8 hours of work.
While Tuesday will be 12 hours.
Yeah 12 hours.
Poor me.
poor poor me.

Im so tired of my line of work.
I so want to do other things..

Well enough with the ranting about my lousy work..
Pag naiisip ko lalo ako nababadtrip.
Anyhow.

I have this long lasting contract of 3 years lang naman.
By that time I will be 25.
And I remember telling that when I reach that time
“ill be financially stable” maraming maraming pera.
“ill have my own house” that me and my lovelove live in.
“ nagwowork na ko sa GMA or ABS-CBN” as a researcher sa news and current affairs.
And the list goes on..

But reality check.
Im turning 23 this August.
I’m in dubai .
And all that I can call my own possession..
Uhmm… wala ata ako maisip.
Wala nga…

natapos ang unang taon ko dito sa dubai without any savings.
What I earned were just
The unlimited amount of heat from the sun.

4ab9230bbdfdb60a.jpg

and

The belly that’s getting bigger and bigger.
ccdee01d80031b34.jpg

hay.
I’m completely out of track.
Pero tinutuwid ko na naman na yung sarili ko ngayon.
Kaya nga prinomise ko sa sarili ko na di na ko magiging tamad.
Ewan ko nga ba minsan hindi ko maintindihan sarili ko.
Kaya pag dumadating sa puntong naiinis na ko sa araw ko
Isa lang ang solusyon ko:

TULOG

5df8cf595ab1d890.jpg

Posted by webbster 09:26 Comments (0)

a first of many more...

Super tagal ko nang balak gumawa ng blogs about anything and everything..
i was a late bloomer when it comes to blogging.
I only started reading blogs last year tough i already knew it's been around for ages!haha.

by the way im an expat working in dubai,u.a.e.
My loving Nanay wanted me to go abroad because that's the only way we can be rich and earn big amount of money..
It turn out to be wrong kasi naman di ganoon kadali ang buhay dito.
Well im speaking for almost 80 percent of filipino workers here kabilang na po ako na blue collar ang trabaho.

Isa akong entertainer dito!joke lang..
basta may trabaho ako dito luckily tinaasan na ang sweldo ko and im loving it!
pero yun nga kasi malungkot ang buhay ko dito, malungkot ang sex life ko, at malungkot ang lovelife ko.
well that's another story

Napakaraming reasons na dapat akong bumalik sa pilipinas pero naeequalize naman siya ng mga reasons why i need to stay.
ewan ko nga ba pero atleast may outlet na ko sa lahat ng mga nangyayari sa kin dito.

well bilang panimula i remember lovelove popping a question that goes like this sa friendster shoutout niya
" when was the last time you did something for the first time?"
napaisip ako dun ng malalim which di naman pala kailangan.
actually this question was posted last year pa pero ngayon ko nga lang ulit naalala.

ah kwento ko na lang yung first time ko sa eroplano.. th_istockp..irplane.jpg
syempre i was really excited during that time,
pero napalitan yun ng pagkabanas kasi naman eh five times ako nadenied sa immigration.
so ang siste eh mga ten minutes na lang eh aalis na yung eroplano di na tuloy ako nakapaggpaalam ng maayos sa nanay at mga kaibigan ko.

Nakakatawa ,na nakakaiyak ,na nakakabanas ,na nakakatakot,magkakahalo lahat yan nung time na yun.
well sa panganim na pila ko ulit sa immigration eh sa awa ng diyos pinayagan na ko..
dali dali ako pumunta sa assign waiting area.

first pit stop ko ay ang bansang Taiwan, well nakakaexcite naman nung papunta ko ng Taiwan kasi nga diba first time ko ,
the flight went well nakarating ako ng Taiwan after 3 hours.
yung excitement ko eh napalitan ng pagkabanas kasi ba naman eh 9 hours ako maghihintay bago ako makasakay ulit ng eroplano papuntang abu dhabi,
panalo diba!
Eh kung sana eh malaki yung Taiwan airport eh mas malaki pa yung sm megamall kaya isang ikot ko lang eh aabutin lang ng halos ten minutes,
so imagine ilang ikot ang ginawa ko dun, kulang na lang bigyan ako ng award.

So wala ako masyado nagawa, kumain lang ng kumain,
tas maginternet kaso bitch yung nasa likod ko kaya umalis na ko kasi ba naman dalawa lang ang pc sa Taiwan na available,
sabagay magcocomplain pa ba ko ako na nga lang ang nakikigamit.

After 9 hours eh finally umalis na rin ako sa Taiwan at di hamak na mas matagal ang byahe dito papuntang abu dhabi,
di naman ako masyado nagenjoy kasi nga super tagal at saka di rin ako comfortable sa upuan.
Siguro inabot din ng halos 7 hours yung byahe.
At take note meron pa ring drama na nangyari sa pagbaba ko,
well mahigpit kasi ang gulf countries sa mga laman ng bagahe,
ewan ko lang din siguro ganun naman sa lahat ng airport,
nagpaeye scan muna ako bago ako lumabas,tas diretso nako sa kuhanan ng bagahe,
pinilit kong hanapin yung bag ko sa mga kulumpon ng bag pero nakahiwalay ang bag ng kuya mo
pagkakuha ko eh may lumapit na airport security officer sakin.
chicheck daw niya yung bag ko,syempre gulat naman ako kasi wala naman ako dala dalang alam kong di allowed.
sabi niya “this way” tas sinenyas niya na sumunod ako sa kanya,,
sabi niya buksan ko daw yung bag ko,
hinaluglog niya tas nakita niya ang dala dala kong cd na FYI eh binigay sa kin ni chacha para daw panoorin ko pagdating ko dito ng atleast ay maalala ko sila...
tinanong ako kung yun daw ba ay pornography,sabi ko naman eh hindi at ito ay compilation ng short movies at commercial na ginawa naming nung college pa kami,
tas tinanong din niya yung sampaloc candy na padala ni lovelove sa friend niya na nagwowork din dito sa dubai ,
kakaiba kasi yung candy kasi bilog bilog na maliit,
ayun buti alam ko na tamarind ang English ng sampaloc which hindi rin naman nila alam,
anyways nakita naman niya na di naman ako masamang tao kaya pinayagan na niya rin naman na ako lumabas.

diba..panalo ang experience ko pagdating na pagdating pa lang ng dubai..well that's just the start ng mga misadventures ko dito and i will let you guys know more about it. Im sure marami rami pa ko makwekwento..

Posted by webbster 13:42 Archived in United Arab Emirates Comments (0)

(Entries 11 - 13 of 13) « Page 1 2 [3]